Samu’t saring Kaisipan

Hindi ako nakatulog nang mahimbing kagabi. Hahay….Natulog pa naman sana ako ng alas 8:00 pa lang. Siguro nanibago lang ako kasi wala akong kasama sa pagtulog. Umuwi kasi si Ruvy Jane kahapon sa Banate. Pero, sanay naman ako noong nakaraang bakasyon na matulog nang mag-isa. Ewan ko ba. Ang isip ko talaga, umandar pa rin kahit na ayaw ko na.

Nagising kasi ako ng alas 2:00 pa lang ng umaga kanina. Simula sa mga oras na ‘yon di na ako nakatulog pa. Ipinikit ko na lang ‘yong mga mata pero sa totoo lang, patuloy pa rin sa pag-iisip ang aking utak.

May nagpapagulo lang talaga sa isipan ko. Napakaraming tanong ang ngangailangan ng kasagutan. ‘Ika nga, may panahon para sa lahat…tumawa, umiyak…mabuhay, mamatay…at kung anu-ano pa. Siguro ngayon ay panahon pa lang para sa aking pagtatanong. Di ko alam kung kailan ko malalaman ang mga kasagutan.

Hmmm….Ayoko ko na sanang mag-isp. Ayokong pumayat pa nang dahil sa pag-iisip. Heheheheheh….

Naisip ko lang din, siguro pinaaalahananalang ako ng Diyos na sa mga oras na ganito, Siya ay handa pa ring makinig sa mga hinaing ng aking puso…ng aking isipan…

Kaya nga, okey na rin itong wordpress, at least nakakabawas ng stress kasi nagsisilbi na rin itong pahingahan ko.

Sana, mamayang gabi ay makatulog na ako nang mahimbing.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s